Libreng sakay, umarangkada na!
Gamit ang electric tricycle o e-trike na donasyon ni Mayor Cezar T. Quiambao sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ay nagsimula nang mag-ikot ang Public Order and Safety Office (POSO) upang maghandog ng libreng sakay para sa mga Bayambanguen~o.
Simula July 2, dalawang e-trike ang iikot mula Bayambang-Basista-Malasiqui Junction at dadaan sa Bayambang National High School at Sto. Nin~o Hospital patungo sa Public Market mula 7AM hanggang 5PM araw-araw. Tig-dalawang pasahero ang maaaring isakay sa isang e-trike upang maobserbahan ang physical distancing at kailangan na nakasuot ng facemask ang lahat ng sasakay bilang pagsunod sa public health standards.
Ang paggamit ng e-trike ay nakabubuti sa kalikasan at kalusugan dahil hindi ito nagbubuga ng usok na maaaring malanghap ng mga sumasakay at nadadaanan nito. Mayroon ring benepisyo ito sa bayan dahil ito ang gagamitin ng POSO sa pag-ronda at pagpapanatili ng kaayusan sa loob at labas ng Public Market at sa lahat ng kanilang madadaanan.
#BalonBayambang #TotalQualityService
[smartslider3 slider=1077]