BNHS Batch ’68, Nagdonate ng P42,500 Cash
Isa na namang batch ng alumni mula sa Bayambang National High School ang nagdonate sa LGU-Bayambang upang makatulong sa muling pagbangon ng mga kababayan sa COVID-19 pandemic at bilang tugon sa panawagan ng lokal na pamahalaan.
Ang BNHS Batch ’68, na nirepresenta ni batch president Vida Junio at officer Ofelia R. Fernandez, ay nagbigay ng P42,500 na cash, at ito ay tinanggap ni Vice-Mayor Raul R. Sabangan sa Mayor’s Office noong ika-10 ng Hunyo.
[smartslider3 slider=1053]