Noong May 5 ay nagsagawa ang Pangasinan Provincial Health Office sa Bayambang ng mass testing para sa COVID-19 sa gilid ng St. Vincent Ferrer Parish Church.
Gamit ang real-time polymerase chain reaction, sumailalim sa test ang mga health workers ng Bayambang Rural Health Unit I at II at iba pang frontliners na maaaring asymptomatic carriers ng SARS-CoV-2 o na-expose sa COVID-positive patients o contacts nito.
Ayon kay Municipal Health Officer, Dra. Vallo, may 51 katao ang nailistang dumaan sa naturang test.
[smartslider3 slider=1025]