Kasalukuyang gumagawa ng daan ang Engineering Office mula Brgy. Wawa hanggang sa San Gabriel 1st Evacuation Center at Pugo Evacuation Center upang masiguro na wala nang bahay ang madadaanan sa pagdala sa mga Bayambangueño na PUM o PUI at mas mapadali sa mga frontliner ang pagpunta sa mga pasilidad. Sa mga nasabing Evacuation Center dinadala ang mga Bayambangueñong nagmula sa ibang probinsya o bayan upang doon nila makumpleto ang 14-day quarantine para sa kaligtasan ng lahat.
Si Coun. Benjamin De Vera, Engr. Joe Rivera, at former Coun. Gerardo De Vera ang nanguna sa pakikipag-usap sa mga may-ari ng lupa na siyang apektado ng daanang ito.
[smartslider3 slider=1012]