Patuloy si Mayor Cezar T. Quiambao sa pangunguna sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang at sa pagsiguro na natutulungan ang mga Bayambangueño sa ating laban kontra COVID-19. Sa tulong ng video conferencing ay dumadalo siya sa mga pagpupulong at regular ang pag-update sa kanya sa mga hakbang ng LGU. Ito ay matapos niyang i-anunsyo sa publiko na siya ay nagpositibo sa COVID-19, ngunit sa kabila ng kanyang karamdaman ay nananaig ang pagtupad niya sa katungkulan at pagmamahal sa bayan.
[smartslider3 slider=1010]