Patuloy ang PNP-Bayambang sa ilalim ni PLtCol Norman Florentino sa pagsiguro na inoobserba ang social distancing sa sentro ng bayan, lalo na sa mga grocery stores at supermarkets. Sa tulong ng General Services Office ay naglagay ng mga monobloc chairs sa harap ng mga establisimyento para upuan at magsilbing palatandaan sa mga nakapilang customers. Isa ang social distancing sa mga paraan upang masiguro ang kaligtasan ng mga Bayambangueno mula sa COVID-19.
[smartslider3 slider=1008]