Bayanihan ng SK Officials

Patuloy ang PNP-Bayambang sa ilalim ni PLtCol Norman Florentino sa pagsiguro na inoobserba ang social distancing sa sentro ng bayan, lalo na sa mga grocery stores at supermarkets, sa lahat ng pagkakataon.

 

Noong Abril 17 ay pinulong ng hepe ang mga may-ari ng grocery stores at supermarkets ukol sa istriktong implementasyon ng polisiya kontra COVID-19. Isa sa mga napagkasunduan ay ang paglalagay ng mga monobloc chairs sa harap ng mga tindahan para sa mga nakapilang customers.

 

Tumulong ang General Services Office sa pagpapatupad ng polisiya na ito sa pamamagitan ng pagpapahiram ng mga monobloc chairs sa mga establisimyento.

 

Hinihiling sa mga Bayambangueño na sumunod sa mga patakaran at tulungan ang PNP-Bayambang sa istriktong pag-obserba ng social distancing para sa kaligtasan ng lahat mula sa COVID-19.

 

#BalonBayambang

#TotalQualityService

 

[smartslider3 slider=1005]