Join na sa 2020 Census

Join na sa 2020 Census!

Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay nakatakdang magsagawa ng population at housing census nationwide sa darating na Mayo 4 hanggang Hunyo 16, bilang pagtupad sa batas na nagsasaad sa ahensya na magtakda ng naturang census kada sampung taon.

Ito ang ibinalita sa LGU-Bayambang ng mga opisyales ng PSA-Calasiao Provincial Office noong ika-28 ng Pebrero sa Municipal Conference Hall sa 1st Municipal Census Coordination Board Meeting kasama sina Mayor Cezar T. Quiambao, mga LGU department head sa pamumuno ni Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr., at mga representante ng Liga ng mga Barangay, Department of Education, PNP, at iba pang ahensya ng gobyerno.

Dahil ang census na ito ay kinakailangang abutin ang 100% ng mga kabahayan ng Bayambang, inaasahan ang pakikiisa ng lahat. May karampatang parusa po ayon sa batas ang sinumang tumanggi sa mga otorisadong representante ng PSA.

[smartslider3 slider=969]