Iwas COVID-19

Iwas COVID-19

Nagpamahagi ng mga information and education materials sa iba’t ibang establisyemento sa Bayambang bilang parte ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na panatilihing COVID-free ang bayan.

Nagtungo ang mga staff ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office sa mga karihan at tuluyan sa munisipalidad upang iabot at ipaliwanag sa mga may-ari ang mga paalala ukol sa pag-iwas sa coronavirus disease (COVID-19) na kasalukuyang umaapekto sa buong mundo.

Sinisiguro ng LGU na wala pa ring kaso ng COVID-19 dito sa Bayambang.

[smartslider3 slider=967]