Planning Workshop for a Gender-Responsive Municipality
Muling nagsagawa ng tatlong araw na Gender and Development (GAD) Planning Workshop sa pangunguna ni MSWDO OIC Head Kimberly Basco sa Royal Mall noong Pebrero 26 hanggang 28. Ito ay dinaluhan ng mga kawani ng LGU-Bayambang.
Layunin nito na i-orient at i-train ang LGU Bayambang na magkaroon ng epektibo at matagumpay na pagpaplano ukol sa paggasta sa GAD budget sa taong 2021.
Sina Ryan F. Barcelo at Rhealiza A. Delos Santos ang mga naging resource speaker sa workshop.
Mensahe si Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr., ang workshop ay pagbibigay-daan na maintindihan ang karapatang pambabae at panlalaki upang makorek ang ating mindset patungkol sa Gender and Development. “Sana marami kayong matutunan nang mai-apply ninyo sa inyong mga sarili at maibahagi sa ating munisipalidad,” aniya.
[smartslider3 slider=965]