Anti-Dengue Operation sa Tambac
Nagpunta si RHU I Sanitary Inspector Danilo Rebamontan sa Brgy. Tambac noong ika-24 ng Pebrero upang magsawa ng fogging, misting, at surveillance operation doon matapos maiulat na nagkaroon kamakailan ng dalawang kaso ng dengue sa barangay.
Sa pag-inspeksyon nila sa lugar, nakita nilang kinakailangang linisin ang mga stagnant na tubig sa paligid na siyang pinamumugaran ng mapaminsalang lamok.
Inaabisuhan ng RHU ang lahat ng residente na sundin ang 4’O’Clock Habit ng DOH. Pagpatak ng alas kwatro ng hapon, panatilihing malinis ang lalo na ang mga maaaring pangitlugan ng lamok tulad ng mga nakapondong tubig sa flower vase, nakatiwangwang na gulong at lata, at mga baradong kanal.
[smartslider3 slider=962]