HRMO Orientation para sa JOs
Nag-organisa ng isang orientation program ang Human Resource Management Office para sa mga empleyado partikular na sa mga bagong Job Order employees noong ika-24 ng Pebrero sa Events Center. Ito ay upang masiguro na ang bawat kawani ng gobyerno ay magkaroon ng malinaw na pagkakaunawa sa sakop ng kani-kanilang mga tungkulin at kung paano ito gagawin ng may malaking responsibilidad, integridad, at pagkakaroon ng disenteng pamumuhay na nagpapakita ng pagbibigay prayoridad sa pampublikong interes kaysa sa personal na interes. Layunin din nito na maipaliwanag sa lahat ang vision and mission at goals and objectives pati na rin ang rules and regulations ng LGU Bayambang.
Sa programa ay ipinaliwanag ni Gng. Rosie I. de Leon ang tungkol sa Employment Status in General at Nature of Appointments. Sumunod naman si Paralegal Officer, Germaine Lee Orcino, para sa Administrative Offenses and Corresponding Penalties.
“Kung magtatrabaho ka ng may integridad, ang trabaho ay hindi mahirap,” pagdidiin niya.
Tinalakay naman ni Beverly Abalos ang usapin ukol sa Leave of Absences.
Sa progama ay nabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na inihatid ang kani-kanilang concerns at binigyang kasagutan naman ito nina G. Orcino at Dennis Aldrin R. Malicdem ng HRMO.
Bilang pangwakas, nagbigay-payo si Edward Dulay ukol sa susi sa pagiging mabuting empleyado.
[smartslider3 slider=960]