Bagong Fire Truck para sa Balon Bayambang

Bagong fire truck para sa Balon Bayambang

Tinanggap ni Mayor Cezar T. Quiambao ang isang bagong Isuzu Fire Truck mula sa opisina ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong ika-11 ng Pebrero sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City. Kasama ni Mayor Quiambao na dumalo sa Turn-over Ceremony si SFO4 Raymond C. Palisoc na Chief ng Bureau of Fire Protection ng bayan.

Isa ang Bayambang sa 74 na BFP stations na tumanggap ng fire truck na bawat isang unit ay nagkakahalaga ng P12.9M. Ito ay malaking tulong sa pagresponde ng ating lokal na BFP sa mga oras ng hindi inaasahang sunog, lalo na ngayong nalalapit na ang Fire Prevention Month.

 

[smartslider3 slider=942]