MAO, Minonitor ang Milking Carabao Project under DSWD-SLP
Noong January 22, nagsupervise at nag-monitor si Dr. Joselito Rosario, DVM, ng Municipal Agriculture Office at kanyang staff ng milking carabao project na nauna nang inilunsad sa Brgy. Manambong Parte, Manambong Sur, at Hermoza sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.
Sila ay inasistehan ng Philippine Carabao Center sa pamumuno ni Ricky Pineda, isang artificial insemination expert, sa pakikipagtulungan sa DSWD at barangay officials.
Simula noong mag-umpisa ang proyekto noong Nobyembre 29, 2019, ang mga alagang kalabaw ay sumailalim sa artificial insemination upang ang mga ito ay magparami. Ayon kay Dr. Rosario, karamihan sa mga naturang alaga ay buntis na sa ngayon.
[smartslider3 slider=916]