Assessor’s Office, Naglibot sa Bani at Poblacion Sur para sa Tax Info Campaign, Land Appraisal; Magsaysay Homeowners Association, Inorganisa
Noong January 14-16, naglibot ang Assessor’s Office sa Brgy. Bani at sa Poblacion Sur upang ipaliwanag sa mga residente doon ang batas tungkol sa pagbabayad ng amilyar at upang magsagawa ng land appraisal.
Kinahapunan ng January 14 ay pinulong ng Assessor’s Office ang mga residente ng Magsaysay property ng Munisipyo sa Magsaysay Barangay Hall upang pag-usapan ang pag-oorganisa sa kanila bilang isang homeowners association at paghalal ng kanilang mga opisyal.
[smartslider3 slider=908]