Planning and Budgeting Seminar for SK

SK Members, Nag-Training sa Planning at Budgeting

Nag-organisa ang Municipal Budget Office ng training para sa Sangguniang Kabataan (SK) officials at members mula sa 77 barangay kasama ang mga Punong Barangay at Barangay Treasurer noong ika-14 ng Enero sa Balon Bayambang Events Center.

Sa panimula ng programa ay nagpasalamat si Liga ng mga Barangay Vice-President at Sapang Punong Barangay Vicente de Leon dahil malaking tulong aniya sa SK members na malaman kung paano gawin ng tama ang kanilang Annual Barangay Youth Investment Program at malinang ang kanilang kaalaman sa pagpapaunlad ng kani-kanilang barangay gamit ang naturang kaalaman.

Sa training ay naging resource speakers ang iba’t ibang opisyal ng munisipyo. Tinalakay ni Municipal Budget Officer Peter B. Caragan ang “Guidelines on the Appropriation and Release of and Planning and Budgeting Process for the SK Fund,” at tinalakay naman ni Municipal Planning and Development Office Coordinator Ma-lene S. Torio ang “Planning & Budgeting.”

Idinetalye naman ni Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista Jr., ang tungkol sa “RA 9184 o Government Procurement Reform Act at Ease of Doing Business (EODB) Law.”

Ipinaliwanag ni Sangguniang Bayan Secretary Joel V. Camacho ang “Preparation of Minutes of Meeting, Resolution, and Ordinances,” at nagsalita naman si Internal Audit Unit Officer Erlinda S. Alvarez ukol sa “Disbursement and Preparation of COA Reports.”

Layunin ng training na hubugin ang mga SK members sa tamang pagpaplano ng magagandang proyekto sa kanilang mga barangay gamit ang budget ng barangay na nakalaan para sa mga kabataan.

 

[smartslider3 slider=905]