Storytelling at Outreach Activity, Nagbigay-Ngiti sa mga Tsikiting sa Hermoza CDC
Bilang parte pa rin ng 29th Library and Information Services Month ay nagsagawa ng Outreach Program ang Municipal Public Library sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Bayambang noong Nobyembre 28 sa Barangay Hermoza Child Development Center (CDC).
Binuksan ang programa ni Municipal Librarian Leonarda Allado, na masayang nagpasalamat kay Child Development Worker Aimee Valerio dahil sa pagpapaunlak ng pinuno ng Hermoza CDC na makabisita at makapagbigay ang grupo niya ng kasiyahan sa 64 na mag-aaral doon.
Dito ay sinalubong ng mga mag-aaral ng matatamis na ngiti ang mga mananalaysay na miyembro ng Rotary Club of Bayambang na sina Dr. Leticia B. Ursua at Gloria de Vera-Valenzuela, kasama ang current president na si Vilma Q. Dalope.
Hindi lang kasiyahan ang handog ng mga istoryang tinalakay na pinamagatang “Si Pilong Patago-tago” at “Si Ann,” dahil layunin din ng mga ito ang magbigay ng ginintuang aral sa mga bata.
Nabigyan din ng pagkakataon ang mga kabataan na ipamalas ang kanilang pagiging malikhain sa pagkulay dahil nagsagawa rin ng art activity gamit ang mga krayola at papel na bigay ng Rotary Club.
Enjoy din ang mga tsikiting sa libreng pameryendang spaghetti at fried chicken ng Library.
[smartslider3 slider=859]