DOLE Orientation on Anti-Child Labor Campaign

DOLE, Nagbigay ng Orientation on Child Labor Prevention and Elimination

Nagkaroon ng pagpupulong ang iba’t-ibang departamento ng LGU sa pamumuno ni Municipal Administrator Raymundo B. Bautista Jr. at Bayambang Poverty Reduction Action Team Chairperson at PESO Manager Dr. Joel T. Cayabyab, kasama ang provincial officers ng Department of Labor and Employment, upang pag-usapan ang mga nararapat na gawin upang masawata ang mga insidente ng child labor sa Bayambang. Ito ay ginanap sa Municipal Conference Room noong Nobyembre 18, 2019.

Ayon kay Atty. Bautista, kabilang sa mga kinokonsiderang intervention ay family orientation, counseling, posting of “child labor-free establishment” signs sa mga establisimyento, skills training, at farm mechanization program dahil isa ang manual farming sa mga dahilan kung bakit may child labor sa mga farming barangays ng bayan, partikular na ng mga magsisibuyas.

Ang mga aksyong ito ay ayon na rin sa nasasaad sa Sustainable Development Goals ng United Nations patungkol sa kapakanan ng mga kabataan.

 

[smartslider3 slider=852]