ESWMO, Minonitor ang Pagsunod sa M.O. #19
Nagmonitor ang Environmental Solid Waste Management Office staff at enforcement team ng mga business establishments at market vendors noong October 23
ukol sa kanilang pagsunod sa Municipal Ordinance No. 19 na naglalayong iregulate ang paggamit ng plastic cellophanes at sando bags na iniimplementa ng munisipalidad.
Ayon sa ordinansa, ang mga packaging material na ito ay maaaring magamit lamang sa mga pagkain tulad ng karne at isda at dapat ay hindi
doble-doble ang paggamit ng mga ito.
Ang mga mamimili naman ay inaabisuhan ng ESWMO na magdala ng kanilang sariling reusable bags upang tumulong
makaiwas sa paggamit ng mga single-use plastic bags, na siyang malaking dahilan ng pagbaha at polusyon sa ating kapaligiran.
[smartslider3 slider=820]