Nagsagawa ang Ecological Solid Waste Management Office ng isang Seminar-Lecture on RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang talakayin ang implementasyon, implikasyon at enforcement ng naturang batas pambansa sa harap ng mga Punong Barangay at iba pang barangay officials at stakeholders.
Naging resource speaker ang OIC Chief ng EMB Division ng DENR RO1 na si Marygail Antonette Naanep. Kasama sa mga tagapag-talakay ang mga opisyal ng Solid Waste na sina Eduardo Angeles Jr. at Luz Cayabyab. Dumating din si Vice Mayor Raul R. Sabangan, Councilor Amory Junio, Councilor Martin Terrado II, at iba pang department heads upang magbigay ng kanilang mensahe ng suporta sa pagsasatupad ng batas pangkalikasan.
[smartslider3 slider=748]