Para sa Mga Nanay – Training on Food Processing

Training on Fish Processing sa CS1st Green AID

Sa pinagsama-samang effort ng Municipal Nutrition Action Office, Bayambang Poverty Reduction Action Team, at TESDA ay nag-umpisa na ang Day 1 ng “Hands-On Training sa Fish Deboning” sa CS First Green AID Inc., Brgy. Amanperez. Ito ay para sa mga nanay na miyembro ng Pantawid Pamilya mula sa iba’t-ibang barangay.

Layunin ng training na magkaroon ng kaalaman ang mga nanay sa iba’t-ibang food processing methods upang magamit nila ito sa pag-umpisa ng kabuhayan tulad ng paggawa ng tinapa.

Tinatayang may 300 trainees ang mabibiyayaan ng fish processing starter kits.

 

[smartslider3 slider=745]