NIA, Nag-Donate ng Water Pumps sa Tulong ni Rep. Arenas
Sa inisyatibo ni Congresswoman Rose Marie ‘Baby’ Arenas, nagdonate ang National Irrigation Authority ng 265 units ng water pumps na nagkakahalaga ng P7M sa mga magsasaka ng Bayambang, sa tulong ng Municipal Agriculture Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team.
Ang turnover ceremony ay ginanap noong Setyembre 12 sa CS1st Green AID Inc. sa Brgy. Amanperez.
Dumating sina Vice-Mayor Raul Sabangan at Councilor Philip Dumalanta sa turnover ceremony. “Sana ay alagaan ninyo ang mga makinang ito na bigay ng gobyerno,” payo nila sa mga opisyal at miyembro ng iba’t-ibang farmers’ assocation.
Naroon din si NIA Regional Manager Angelito Miguel upang magbigay ng tips sa tamang paggamit ng makinarya.
[smartslider3 slider=726]