LGU-San Nicolas, Ilocos Norte, Nag-Lakbay Aral sa Bayambang MRF

LGU-San Nicolas, Ilocos Norte, Nag-Lakbay Aral sa Bayambang MRF

Nag-Lakbay Aral ang LGU-San Nicolas, Ilocos Norte, sa Materials Recovery Facility (MRF) ng Bayambang noong ika-9 ng Agosto. Sa pangunguna ni Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) Supervisor Eduardo M. Angeles, Jr. ay ipinakita sa mga bisita ang paraan ng pagpoproseso ng mga biodegradable wastes upang maging organic compost soil enhancers gamit ang rapid composter na binili ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang.

Ang grupo ay binubuo ng Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO) ng San Nicolas na si Gng. Marilyn Tolentino kasama ang kanyang mga staff at ang kanilang Municipal Engineer.

Labis ang pasasalamat ng grupo sa mainit na pagtanggap ng ESWMO sa kanila na kanilang ipinahayag nang sila ay mag-courtesy call kay Mayor Cezar T. Quiambao.

[smartslider3 slider=688]