Pinangunahan ni Sangguniang Bayan Majority Floor Leader Benjamin S. de Vera ang committee hearing ukol sa iba’t ibang ipinapanukalang ordinansa sa lokal na pamahalaan ng Bayambang.
Inaprubahan sa hearing na ito na ginanap sa SB Session Hall noong ika-18 ng Hunyo ang ordinansa na ipinanukala ng Rural Health Unit ukol sa pag-iwas at pag-kontrol sa mga kaso ng dengue at iba pang mga sakit na dala ng lamok.
Aprubado na rin sa committee level ang institutionalization ng Bayambang Poverty Reduction Action Team bilang isang departamento ng lokal na pamahalaan. Kapag tuluyan itong naaprubahan ay mas mapapabilis ang proseso ng pagsasagawa ng mga proyekto ng opisinang ito.
Samantala, kasalukuyan pang pinag-aaralan ang pag-create ng mga posisyon sa opisina ng Sangguniang Bayan. Kapag naaprubahan ay ilang mga Bayambangueño muli ang mabibigyan ng trabaho.
Ang committee hearing na ito ay dinaluhan ng mga kinauukulang department head at empleyado ng munisipyo.
[smartslider3 slider=609]