Victory Church, Nag-Sponsor ng Free Medical-Dental Checkup para sa STAC Pupils; MSWDO, Nag-Donate ng 3 Wheelchairs at Mamamahagi ng 30 Pa
Nag-sponsor ang Victory Church Bayambang ng isang free medical, dental, at eye check-up para sa 37 Stimulation and Therapeutic Activity Center (STAC) pupils at kanilang mga magulang noong ika-4 ng Hunyo sa Balon Bayambang Events Center.
Ito ay inorganisa ng Victory Church sa pakikipagtulungan ng RHU 2 at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Naroon sina Dr. Adrienne Estrada, RHU 1 dentist Dr. John Paul Santos, at Dr. Zalda O. Carreon ng Malicdem Optical upang maghandog ng free medical checkup, laboratory test, dental check-up, eye check-up, at eyeglasses. Naroon din upang magbigay-suporta sina Sherilyn Ragasa, SPED teacher John-John Perez, at STAC Focal Person at physical therapist Decerie Favi. Dumating din ang Human Nature upang magpamigay ng hygiene kits.
Nag-enjoy din ang mga bata sa story-telling nina Chris at Allen Navalta ng Pillars of Learning Child Development Center, at sa simpleng palaro. Nagpamigay rin ang Victory ng T-shirt at snacks.
Ayon sa report, pitong taon nang isinasagawa ang ganitong aktibidad ng Victory Church, at ngayong taon ay napili nilang idaos ito sa Events Center.
***
MSWDO, Nag-Donate ng 3 Wheelchairs at Mamamahagi ng 30 Pa
Samantala, nag-donate ng mga wheelchair ang MSWDO sa tatlong piling STAC pupils noong araw ding iyon (Hunyo 4).
Inanunsiyo rin ni MSWD Officer Lerma Padagas na mayroon silang nakatakdang ipapamahaging 30 wheelchairs (23 adult at 7 pediatric wheelchairs). Maaaring humiling ang mga PWDs na taga-Bayambang ng nasabing wheelchair. Mangyaring magsumite lamang ng medical certificate, certificate of indigency mula sa kanilang barangay, at whole body picture.
[smartslider3 slider=592]