Claimholders mula Manambong Sur, Itinanghal na 2019 Huwarang Pamilya ng Pangasinan ng DSWD Provincial Office
Ang pamilya ni Robert Castañeda at Ann Marie Lasquite Castañeda ng Brgy. Manambong Sur ay itinanghal ng Department of Social Welfare and Development Provincial Office bilang Huwarang Pamilya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa buong probinsiya ng Pangasinan sa taong 2019.
Si Robert, 46 taong gulang, ay isang magsasaka, at si Ann Marie, 44, ay isang dressmaker. Sila ay may apat na anak na babae, at ang pamilya ay isa sa mahigit na 6,000 claimholders o benepisyaryo ng 4Ps sa bayan ng Bayambang.
Si Robert ay tumatayo rin bilang manager of DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP)-funded agricultural supplies store sa kanilang barangay na pagmamay-ari ng Manambong Sur Farmers Association, na kanya ring pinamumunuan bilang presidente. Ang kanyang maybahay naman ay ang Chairperson ng Masagana Sustainable Livelihood Program Producers Cooperative at presidente rin ng Parents-Teachers Association (PTA) ng Manambong Sur Elementary School sa loob ng anim na taon.
Ang parangal na ito ay patunay ng pagsusumikap sa buhay ng pamilya Castañeda at pagpapakita na hindi hadlang ang kahirapan sa pagtulong sa pamayanan.
[smartslider3 slider=575]