30 Summer Job Beneficiaries, Nagtapos

30 Summer Job Beneficiaries, Nagtapos

Nagtapos ang 30 kabataang benepisyaryo ng programang SPES o Special Program for Employment of Students ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong ika-22 ng Mayo.

Sa simpleng programang ginanap sa Municipal Conference Room, ipinaliwanag ni G. Gerenerio Rosales, ang LGU Action Desk Officer on Employment Concerns, na P429.95 ang naging minimum rate per day ng mga ‘SPES babies.’ Aniya, 60% ng kanilang sasahurin ay nanggaling sa LGU, samantalang ang 40% naman ay mula sa DOLE. Sa loob ng 20 araw na kanilang pagpasok sa trabaho mula Abril 22 hanggang Mayo 21 ay makakatanggap ng P8,598 ang bawat isa.

Gaya ng inaasahan, nagbigay-daan ang SPES, hindi lang upang makatulong sa pagtustos sa pag-aaral ng mga estudyante at out-of-school youth, kundi upang mahasa rin ang abilidad nila sa pagtatrabaho. “Ang natutunan ko ay kung paano maging sociable sa iba-ibang tao, at nasiyahan ako sa mga tasks na pinagawa nila sa akin,” ayon kay Mariah Karen S. Junio, isang SPES beneficiary na-assign sa Administrator’s Office.

Payo naman ni Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr., sa kanyang maikling mensahe, “Naranasan ninyo kung paano maghanap-buhay, kaya sana bigyan ninyo ng halaga ang inyong mga kinita.”

[smartslider3 slider=570]