Nakatanggap ng early warning system bell ang sampung barangay sa naganap na flag ceremony noong Lunes, March 4, sa Balon Bayambang Events Center. Parte ito ng pagsisikap ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection sa pagsiguro ng mas mabilis na pagresponde sa panahon ng sakuna.
Ang mga barangay na nakatanggap nito ay Ambayat 1st, Manambong Norte, Amancosiling Norte, Malioer, Idong, Tococ East, Asin, Mangayao, Zone 2, at Carungay.
Susunod namang makakatanggap ang 66 pang mga barangay sa buong Bayambang.