Agriculture Office, Isinusulong ang IPM Strategies sa Pagsugpo sa Peste

Ayon kay MAO Agricultural Technician Zyra Orpiano, ang Integrated Pest Management o IPM strategies laban sa mga peste tulad ng harabas o armyworm at litura o cutworm ay kinabibilangan ng Metarhizium anisopliae bio-insecticide spray (para sa harabas), earwig, lure trap (para sa adult na litura), NPV o nuclear polyhedrosis virus.

Payo naman ni Ms. Orpiano ukol sa paggamit ng insecticide, “i-check ang mode of action (MOA) na gagamitin upang mapigilan ang insecticide resistance.” Kailangan aniyang iba-ibahin kumbinasyon ng mga MOA na pipiliin.