Tulong mula LGU Bayambang sa mga barangay, walang puknat at ‘di maubos-ubos
Naganap muli ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa Buayaen Central School, Brgy. Buayaen noong Setyembre 28.
Kasama ang mga barangay ng Buayaen, Darawey, Dusoc, Telbang, Sancagulis, Amancosiling Sur, at Amancosiling Norte sa District 3 at 4 sa mga naserbisyuhan.
Gaya ng dati, dinala ng gobyernong lokal ang mga iba’t-ibang serbisyo nito tulad ng medical check-up, X-ray, dental services, tooth-brushing drill, story-telling, COMELEC voter’s registration, agricultural services, Treasury at Assessor’s services, haircut, feeding activity, PNP lectures, at marami pang iba.
Pambungad na bati ni Buayaen Central School Principal Myrna Tablizo, “Isang blessing ang ganitong serbisyo at nagagalak kami na kayo ay pumunta sa aming barangay. Sana marami pa kayong matulungan. More power sa Team Quiambao-Sabangan upang magtuloy-tuloy pa ang ganitong serbisyo para sa mamamayan ng Bayambang.”
Naroon naman si Kagawad Alexander Barrogo na kinatawan ni Punong Barangay Zenaida Camacho upang ipahatid ang mensahe ng pasasalamat. “Sana tumagal pa ang ganitong serbisyo,” aniya.
Paliwanag naman ni Vice-Mayor Raul Sabangan, ang Komprehensibo ay ang pinaigting na pagtulong ng Munisipyo sa Bayambang ayon na rin sa nakitang sitwasyon ng Quimabao-Saangan administration sa mga barangay na malayo sa sentro. “Sana samahan ninyo kami sa mga programang tulad nito tungo sa ikakaunlad ng ating bayan,” dagdag niya.
Ayon naman kay Mayor Cezar T. Quiambao, “Ang talagang purpose nito ay magbigay-gaan sa inyong pamumuhay, at ang mga serbisyong ito ay nakapaloob sa ating programa na Rebolusyon Laban sa Kahirapan.”
Dagdag pa niya, “Hindi makakagalaw ang Sangguniang Bayan kung hindi buo ang tiwala ninyo sa aming administrasyon. Sana magkaisa tayo upang mawakasan ang paghihirap sa ating bayan.”
Naroon din ang Managing Director ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. (KKSBFI) na si Levin Uy, at ito ay nag-anyaya sa lahat tungkol sa Livelihood Training Program na handog ng KKSBFI, ang foundation ng itinatag ni Dr. Cezar T. Quiambao noong isa pa itong priadong indibidwal. Ito ay upang makatulong at magbigay karagdagang kaalaman ang mga mamamayan ng Bayambang tungo sa pagkakaroon ng magandang trabaho at kinabukasan.
Dumalo rin sa programa sina Konsehal Benjamin Francisco de Vera, Konsehal Martin Terrado II, Konsehal Amory Junio, Konsehal Philip Dumalanta, at Konsehal Mylvin Junio, Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez, at mga pinuno ng mga barangay sa District 3 at 4.
Matapos maging benepisyaryo, bakas ang saya at papapasalamat sa mukha ng mga residente, tulad ni Virgie Barrogo, 35 anyos, dahil nagkaroon sila ng medical check-up at iba pang libreng serbisyo. “Marami na itong (Komprehensibong Serbisyo) natutulungan upang gumanda ang kinabukasan namin,” sambit niya. Ayon naman kay Aurea Cervas, 33 anyos, napakalaking tulong ito sa amin dahil hindi namin kailangang pumunta ng bayan. Nararamdaman namin ang walang-sawang pagmamahal ng ating mayor. Sana dumami pa ang mga programang handog sa amin.”
Ayon sa Human Resources Management Office, 942 katao ang nabigyang tulong ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 2 sa Brgy. Buayaen, pagpapatunay lamang na kahit saang bahagi ng Bayambang ay binibigyang pansin ng LGU-Bayambang sa ilalim ng maka-mahirap na pamumuno ng administrasyong Quiambao-Sabangan.
[smartslider3 slider=410]