Noong Mayo 18, 2023, nagsagawa ng public hearing ang Sangguniang Bayan (SB) ng Bayambang, sa pamamagitan ng Committee on Public Utilities and Public Order and Safety sa Sangguniang Bayan Session Hall, Legislative Building. Ito ay upang talakayin ang panukalang “Ordinance Mandating the Proper Installation and Maintenance of Electric and Cable Wires and Posts by Certain Public Utilities for Purpose of Public Safety in the Municipality of Bayambang, and Providing Penalties Thereof.”
Ang public hearing na inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho ay pinangunahan ng Chairman ng nasabing komite na si Coun. Gerardo Flores. Dumalo rin dito sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, kasama sina Coun. Amory Junio, Coun. Martin Terrado II, Coun. Levinson Uy, at concerned LGU department heads.
Naroon din ang CENPELCO, iba’t ibang telecommunication companies, at ang publiko upang malaman ang kanilang mga saloobin at suhestiyon upang makatulong sa pagbalangkas ng napipintong Anti-Dangling Wire Ordinance ng Bayambang na siyang mag-aayos sa problema ng “spaghetti wire” sa bayan na posibleng maging sanhi ng aksidente, bukod po sa di kanais-nais itong tingnan.