PNP Updates

Ang kapulisan ng Bayambang, sa pamumuno ng hepe na si PLtCol. Rommel P. Bagsic, ay patuloy sa pagpapatupad ng mga batas laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bayan ng Bayambang.

 

Kabilang na dito ang mga pag-aresto sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling, RA o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Arrested Wanted Person sa kasong Other Deceits (RPC Art. 318).

Ang mga sumusunod ay kabilang din sa anti-criminality strategies: checkpoint, Oplan Sita, mobile at TMRU patrolling, at regular na pagbisita sa iba’t ibang barangay, business establishments at maging sa mga paaralan.

 

Bukod dito ay mahigpit din ang pagpapatupad ng mga batas at ordinansa. Ilan sa mga batas na ito ay ang RA 10054 o ang Motorcycle Helmet Act, RA 4136, Land Transportation and Traffic Code, ordinansa gaya ng Municipal Ordinance Number 5 o ang pagbabawal sa paggamit ng modified muffler sa mga motorsiklo at tricycle at ang Municipal Ordinance Number 4 s. 2021 o ang pag-regulate sa paggamit ng kalsada, sidewalks, tulay, parke ay iba pang pampublikong lugar sa bayan ng Bayambang. Mula May 16-24, 2023 nakapag-issue ng 508 traffic citation tickets ang kapulisan sa mga lumabag sa nasabing batas.

 

Sa ganitong paraan, hindi lamang napapanatili ang kaayusan sa bayan. Natututo rin ang mamamayan sa mga batas at ordinansa, dahilan upang kusa silang sumunod batas at sila’y maging bahagi sa mas maayos, mapayapa, at magandang pamayanan.

 

Para sa ibang impormasyon at aktibidades ng Bayambang Police Station, bisitahin lamang ang kanilang Facbook Page (Bayambang Municipal Police Station) https://www.facebook.com/BayambangPoliceStation, at pa-Like, comment and share lahat ng mga aktibidades na nakapost sa kanilang FB Page.