Dangling Wire Clearing Action Group, Binuo at Agad Nag-inspeksyon sa Sentro

Kaugnay ng mga napagkasunduan sa nakaraang public hearing ukol sa dangling at sala-salabit na wire at kable, nagsagawa ng isang ocular inspection noong May 24 ang Wire Clearing Action Group ng LGU, sa pangunguna ng Engineering Office, kasama ang CENPELCO at telecom companies, upang tignan ang mga lugar na mayroong mga dangling spaghetti wire at kable sa sentro ng bayan.

 

Matapos nito ay nagkaroon ng initial assessment conference sa SB Session Hall.

 

At sa kanilang sariling inisyatibo, nag-uumpisa na ang mga ahensya at kumpanyang nabanggit na baklasin ang mga kanilang mga non-serviceable dangling wires sa Poblacion area.