Sa ikalawang quarter ng taon, pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang Municipal Advisory Committee Meeting, sa pag-oorganisa ng Department of Social Welfare and Development-Regional Field Office I Municipal Links at Municipal Social Welfare and Development Office.
Ang pagpupulong ay ginanap ngayong ika-31 ng Mayo sa Events Center at dinaluhan nina SB Committee Chairman on Social Services, Indigents and Disabled Persons na si Councilor Benjie de Vera, BPRAT Chairperson, Dr. Rafael L. Saygo, mga department heads ng LGU, at NGOs kabilang ang religious sector.
Sa naturang pagpupulong, ipinangako ni Mayor Niña na dodoblehin nito ang kikitain ng mga Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) mula sa kanilang seed capital fund bilang reward sa sinumang SLP Association ng DSWD ang magtatagumpay na palaguin ang napili nilang negosyo.
“I want to make [SLP Association members] to learn how to value their business para maging independent at matuto sila sa buhay. And always remember that the LGU is always here to provide the support you needed.”
Tinalakay nina DSWD-RO1 Project Development Officer Gemalyn M. Labarejos ang ukol sa SLP. Inihayag naman ni DSWD-RO1 PDO II Johndel G. dela Cruz ang mga update tungkol sa Rehabilitation of SLP projects. Bilang panghuli, nagbigay ang Municipal Links ng update ukol sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).