Bilang pagsuporta sa kampanya para sa kaligtasan ng mga chikiting laban sa mga nakahahawang sakit, pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan ang paglunsad ng Massive Supplemental Immunization Activity laban sa measles, rubella at polio (MR-OPV) ng Department of Health at World Health Organization kasama ang mga Rural Health Unit doctors na sina Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, Dr. Adrienne Estrada, at Dr. Roland Agbuya ngayong araw, Mayo 2, sa Balon Bayambang Events Center.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa pakikiisa ng mga Bayambangueño sa naturang vaccination drive. Aniya, para sa kanya, “a healthy community means a healthy environment.”
Sa dulo ng programa, isa sa unang binakunahan ang bunsong anak ni VM Sabangan.
Ayon kay Dr. Vallo, mayroong 84 na 0-59-buwang gulang na sanggol at bata ang napabakunahan sa launching activity na ito, na hudyat ng simula ng malawakang pagbabakuna sa lahat ng barangay.
Hinihikayat ang lahat ng magulang na pabakunahan na ang mga supling upang siguraduhing ligtas ang mga ito sa mga nasabing nakahahawang sakit o infectious diseases.