Ang mga CDWs ng Bayambang ay sumailalim sa tatlong araw na CDWs’ Skills Training on New Assessment Tools & Emergency Response noong June 26-June 29, 2023, bilang parte ng 2023 National Child Development Workers Week Celebration.
Naging resource speakers sina PDO III Agnes L. Tambalo, ICTMS head Paul Gerard Guray, at Remila C. Padilla ng DSWD FO1, at SFO3 Tere Pascua at iba pang fire officers ng BFP.
Sa ikalawang araw, naghatid ng inspirasyunal na mensahe sa isa sa mga sessions si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad.
Todo suporta siyempre si MSWD Officer Kimberly P. Basco sa aktibidad.
Sa huling araw, June 29, ang mga CDW ay bumiyahe patungong Anda, Pangasinan para magbenchmarking activity sa mga Child Development Center (CDC) doon.
Ayon kay Child Development Focal Person Marvin P. Bautista, inaasahang matutunan ng mga CDWs sa 3-day training ang bagong standard procedures sa pag-conduct ng Child Development Service Program at kung paano pangasiwaan ang CDC kung sakaling may sakuna.