Tuluy-tuloy ang Bayambang Wire Clearing Group sa pagbabaklas ng mga nakalaylay at mga unserviceable wires at cables ng iba-ibang telecommunication firms.
Tulung-tulong dito ang MDRRMO, Engineering, BPSO, BFP, CENPELCO, Globe, Smart, DITO, USATV, at Converge.
Ang BPSO ay nagbibigay ng traffic assistance.
Ang aksyon na ito ay bunsod ng Public Hearing na isinagawa ng SB tungkol sa proposed Anti-Dangling Wire Act ng Bayambang.