Noong June 13, isang public hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan ukol sa panukalang “An Ordinance Establishing the VAWC Desk in Every Barangay of the Municipality of Bayambang Prescribing the Protocol in the Handling of All VAWC Cases Filed Thereof.”
Dinaluhan ito ng mga Barangay Secretary mula sa 77 barangay ng Bayambang.
Layon ng ordinansa na paigtingin ang pagbibigay ng proteksyon sa barangay level para sa mga kababaihan at kabataan na nagiging biktima ng karahasan sa loob ng kanilang tahanan.
Ang pagdinig ay pinangunahan nina Councilor Amory Junio, Councilor Philip Dumalanta, at Councilor Martin Terrado II, sa pag-oorganisa ni SB Secretary Joel V. Camacho.
Naging resource persons naman ang mga opisyal ng MSWDO at PNP.