Pagtuklas ng mga Makabagong Kaalaman sa Pagsasaka, Tuluy-Tuloy

Ginanap noong June 9 ang 2nd Farmers’ Farm School meeting para sa eksperimentong ‘Hybrid Varietal Derby’ ng Department of Agriculture sa Brgy. Dusoc.

 

Kabilang sa aktibidades ng mga kalahok ang pagbisita sa mga itinanim na trial seedlings.

 

Tinalakay din ang ukol sa ‘Paggamit ng Dekalidad na Binhi ng Rekomendadong Barayti’ at ‘Maayos na Pagpapatag ng Lupa’, pati na rin ang ‘Minus One Element Technique’ na isang mahusay na pamamaraan upang malaman kung gaano karami ang sapat na pataba sa tanim na palay.

 

Dumating naman si Pangasinan Agriculture Office (OPAG) staff Ramy Sison para ipaliwanag ang konsepto ng ‘Corporate Farming’ na isinusulong ni Governor Ramon Guico III gamit ang E-Agro farm business app.