Noong June 7, dumating ang dalawang staff ng National Library of the Philippines upang magsagawa ng validation activity.
Sila ay winelcome ni Municipal Librarian Leonarda D. Allado.
Tuwang-tuwa ang mga NLP staff sa Bayambang Municipal Library, dahil umano sa magandang itsura ng istruktura, sa napaka-organisadong koleksyon, sa dami ng libro nito na may rare books collection pa, at sa sampung gumaganang computer na konektado sa Internet (lima para sa library users at lima para sa staff).