Noong June 21, lumipat sa Brgy. Pangdel Covered Court ang Mobile Blood Donation Drive ng RHU III at Region 1 Medical Center.
Ulat ni RHU III head, Dr. Roland M. Agbuya, sa 57 registered blood donors, may 43 na successful donors.
Tumulong sa aktibidad si Pangdel Punong Barangay Onofre Romano kasama ang buong Pangdel Barangay Council sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at assistance sa mga staff at donor.
Ayon sa RHU III, halos lahat ng Barangay Kagawad at Barangay Health Workers ng Pangdel ay nagdonate ng kanilang dugo.