Ang RHU III at Region 1 Medical Center ay muling nagsanib-pwersa upang tagumpay na maisagawa ang ia na namang Mobile Blood Donation.
Ito ay ginanap sa Barangay Inirangan noong June 15, kung saan umabot ang bilang ng nagregister sa 42, at 26 dito ang naging matagumpay na blood donor.
Nagbigay ng suporta si Inirangan Punong Barangay Jonathan Espejo sa pamamagitan ng kaniyang donasyong pagkain para sa mga staff at donor. Inasistehan rin nito at mga kasamahan sa Inirangan Barangay Council ang mga kalahok na duktor at nars.
Ang mga bag ng dugo na nakolekta sa naturang mobile blood drive ay tiyak na malaking tulong sa pagdugtong sa buhay ng mga pasyenteng lubhang nangangailangan nito.