Noong June 23, nagkaroon ng MOA signing sa pagitan ng sampung Bayambang Polytechnic College graduates at ng DOLE at LGU-MESO para sa isa na namang livelihood grant.
Ang 10 BPC graduates ay nakatakdang makatanggap mula sa DOLE ng electrical tool kit na nagkakahalaga ng P30,000 bawat isa mula sa pondo ni Senator JV Ejercito.
Ang mga benepisyaryo ay pawang graduate ng kursong Electrical Installation and Maintenance NC II.