Noong May 15, 2023, nakipagpulong sina Mayor Niña Jose-Quiambao at Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, sa Department of Human Settlements and Urban Development Office (DHSUD) sa pangunguna ni DHSUD Undersecretary, Engr. Wilfredo Mallari, at kanyang mga kasamahan upang pag-usapan ang proyekto ng national government na pambansang pabahay para sa mga Pilipino.
Ito ay isang socialized housing program ni Pangulong Marcos na ninanais ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang na iadopt sa bayan, sapagkat ito ang nakikitang solusyon ni Mayor Niña na lulutas sa problema ukol sa mga informal settler.
Dahil dito, binanggit ng mag-asawang Quiambao na maglalaan ang LGU ng limang ektaryang lupa para sa naturang proyektong pabahay.
Dumalo rin sa pulong si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad; kasama sina Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brilliante Jr.; OIC Municipal Planning and Development Coordinator at Local Housing Officer Ma-lene S. Torio; Municipal Assessor Annie de Leon; OIC-MSWD Officer Kimberly Basco; OIC Municipal Engineer Felipe Rivera Jr.
Inaasahan ng LGU na magiging matagumpay ang programang ito bilang tugon sa suliranin ukol sa mga nakatayong kabahayan sa mga lupaing bawal na pagtayuan ng tirahan.