MAO, Muling Nag-assist para sa Crop Insurance

Ang Municipal Agriculture Office ay kasalukuyang umiikot sa mga barangay para i-assist ang mga magsasakang Bayambangueño para sa kanilang crop insurance application.

 

Sa ganitong aktibidad, matutulungan ang mga magsasaka na mapaseguro ang kanilang mga pananim sa Philipine Crop Insurance Corporation (PCIC) mula sa posibleng pagkasira ng kanilang mga pananim dulot ng natural na kalamidad.