Sa inisyatibo ni Mayor Niña Jose-Quiambao, nagkaroon ng dalawang araw na seminar na pinamagatang, “Personality Development: Commitment in Public Service Towards Progress and Growth” sa Balon Bayambang Events Center noong Mayo 17 hanggang 18, sa pag-oorganisa ng HRMO.
Naging resource person ang mga taga-Odyssey Hub, isang mental wellness firm mula sa Baguio City, na siyang malalimanang tumalakay sa mga isyu ukol sa paghubog ng isang personalidad ng isang indibidwal gamit ang professional psychotherapeutic approach.
Ang kanilang pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa paghubog ng personalidad ng mga piling kawani ng gobyernong lokal ay inaasahang magresulta sa mas pinahusay at de-kalidad na serbisyo publiko.
Dumating sa seminar si Mayor Niña at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, upang magbigay ng mga inspirasyunal na mensahe.