Sa pangunguna ng MDRRMO, kasama ang PNP, BFP, BPSO, at Engineering, nakilahok ang lahat ng kawani ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2023 noong June 9. Aktibo ring nakiisa ang lahat ng mga kliyenteng may transaksiyon sa loob ng munisipyo sa oras ding iyon.
Dahil sa organisadong paghahanda tulad nito, mas bumababa ang posibilidad na makapagtala ng casualty na dulot ng biglaang paglindol o pag-atake ng iba pang uri ng sakuna.
Ayon sa tala ng MDRRMO, sa kabuuan ay may 22,300 participants (male: 10,374, female: 11,926) sa 2Q NSED 2023.