ISO Mock Audit Post-Mortem, Isinagawa

Kinabukasan, June 21, matapos ang mock ISO 9001:2015 audit, nagkaroon naman ng isang post-activity report at analysis sa Events Center.

 

Dito ay pinag-aralan ang mga dapat gawin upang pag-ibayuhin pa ang implementasyon ng Quality Management System ng LGU, base sa findings ng Internal Audit at sa mga ginanap na pre-mock and mock audits.

 

Dumalo sa aktibidad ang mga department at unit head, mga office Document Control Custodian, at office Internal Quality Auditor, at nagtulung-tulong masolusyunan ang mga napansing nonconformities ng bawat opisina.