Noong ika-1 ng Hunyo, 2023, isa na namang job fair ang isinagawa sa Balon Bayambang Events Center, sa pagoorganisa ng MESO sa ilalim ni MES Officer Gernalyn J. Santos.
Dumating ang mga representante ng DOLE, kabilang na si Rhodora Dingle, upang magbigay ng mensahe ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng trabaho ng isang miyembro ng pamilya.
Mayroong 21 lokal na kumpanya at 1 overseas na kumpanya ang sumali sa recruitment activity.
Ayon sa ulat ng MESO, mayroong 105 na aplikante ang nagparehistro mula sa 232 na nagpre-register online, at 85 sa mga ito ang qualified, 45 ang near hires, at 36 ang hired on the spot.