Noong June 3, 2023, muling nagbalik ang Bankers Institute of the Philippines (BAIPHIL) at SM Foundation sa Balon Bayambang Events Center upang ihandog ang taun-taong medical mission para sa mga Bayambangueño.
Kasamang nakipagtulungan dito ang LGU-Bayambang, partikular na ang buong RHU team kasama ang Kasama Kita Sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation.
Nagsimula ang medical mission sa isang thanksgiving mass ni Fr. Rowell Allan Rocaberte, at sinundan agad ito ng isang maikling programa na dinaluhan nina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Coun. Jose Ramos, Coun. Martin Terrado II, Coun. Gerry Flores, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at KKSBFI COO Romyl Junio.
Naroon siyempre ang mga duktor na bayan na sina Dr. Paz Vallo, MPH; Dr. Adrienne Estrada, RHP; Dr. Roland Agbuya, RPH; Dr. Nicolas Miguel, former BDH Director; at Dr. Dave Francis Junio, DDS.
Kabilang sa mga libreng serbisyo ang dental cleaning, dental extraction, laboratory analysis, X-ray, consultation, at circumcision. Nagbigay din ng libreng gamot at giveaways.
Ang loot bag na ibinigay ng BAIPHIL kada pamilya ay naglalaman ng isang Gardenia raisin bread loaf, juice, 4 na bote ng Gatorade, Cream-O biscuits, at Kopiko o MX3 3-in-1 coffee. Mayroon ding karagdagang items mula sa LGU at Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation.
Kabilang naman sa mga libreng ibinigay na gamot ang full dose ng antibiotics, vitamins, at isang box ng anti-hypertensive medicine na kasya sa isang buwan.
Ang mga batang dental patients ay nakatanggap ng reading materials at toothbrush.
CLIENTS SERVED
CIRCUMCISION: 26
OPTICAL: 26
CONSULTATION: 379
LABORATORY: 227
ECG: 24
X-RAY: 39
TOOTH CLEANING: 62
TOOTH EXTRACTION: 96